Magpapasko na. YES!

11 days na lang pasko na. At bukas 10 days na lang pasko na. Haay ang lapit na noh? nakapaghanda ka na ba ngayong darating na pasko? Im sure ngayong darating na pasko..

  • Madami nanaman ang magsasabit ng medyas sa kanilang pinto, para lagyan daw ni santa ito ng gift. XD
  • Ngayong magpapasko, pabonggahan nanaman ang mga bahay sa kanilang mga xmas decor!
  • Madami nanaman ang MANGANGARAP na makumpleto nila ang simbang gabi, para matupad ang wish nila this coming xmas!
  • Para sa mga SMP - Uso nanaman ang kantang “Sana ngayong pasko, ay maalala mo pa rin ako.. hinahanap hanap pagibig mo” XD
  • Malapit na ang pasko, at isa sa mga inaabangan nang lahat ay ang bibingka at puto bumbong, bakit kasi tuwing xmas season lang meron nito. haaay
  • At dahil magpapasko, madami nanamang estudyante ang hihingi ng bonus score sa kanilang mga prof. haha
  • Para sa mga ninong: Ihanda na ang wallet.
  • Para sa mga ina-anak: Ihanda na ang kamay, pansalo ng pera. XD
  • At dahil december isa lang ang ibig sabihin nito para sa ilan: 13th month pay.. libre ko ha? :))
  • Marami nanamang bata ang gigising ng maaga para tignan ang bintana nila kung may snow na sa kalsada. 

Para sa mga ibat ibang tao sa mundo.. madaming kahulugan ang pasko, madaming gustong gawin sa araw na ito, madaming gustong puntahan, madaming gustong mag saya. Pero sana ngayong darating na pasko wag natin kalimutan ang sumimba at mag pasalamat kasi BDAY LANG NAMAN NI BRO. :)) Advance Merry Xmas! :))

  1. jikosapusoko posted this